Maraming
nabago sa hitsura ng simbahan ng bayan ng
Guinayangan ng nakaraang 2007 sa pamumuno ni Rev.
Fr. Jose Pancrasio Seco ( Kura Paroko ) at ni
Fr. Romel Rosales.
Ang
altar ay puro marmol, ang flooring ng
simbahan ay gawa sa tiles, ang mga upuan ng
nagsisimba ay bagong repair at pinturado, ang “12
mystery” na nakapalibot sa loob ng simbahan ay
pinalitan ng “marmol with glass picture”, mayroon
na ring “comfort room” para sa mga nagsisimba
at higit sa lahat, ang simbahan ngayon ay mayroon
ng pakaganda-ganda at “fully aiconditioned
confession room”. Noong naandon nga ako sa loob ng
confession room, parang gusto ko na kaagad
mangumpisal ( joke lang…..kokonti pa po naman ang
kasalanan ko, sabi ng sarili ko ), ganoon kaganda
iyon.
Kung kayo
naman ay lalabas ng simbahan, sa may gawi ng
munisipyo, mapapansin nyo ang groto na bagong
gawa. Inabot iyon ng humigit-kumulang ng 150,000
pesos. Ito ay donasyon ni “ Late Vicente
Aguilar and Family” na naninirahan sa “
California , USA ”.
Ang laki
na ng improvement ng ating simbahan. Ang hindi na
lang nagagawa ay ang kisame at playground, nag-iipon
pa ng budget mga kabayan. Kaya’t kung sino pang may
mabuting kalooban na gustong magdonate ay dalawang
kamay po’ng tinatangap ng ating simbahan. Pareng
Arthur Ardiente, tinatawagan ka……..biro lang, pero
kung tototohanin mo maraming salamat.
At ang
huling bago sa ating simbahan ngayon ay ang ating
Kura Paroko. Opo mga kabayan, lilipat na si Rev. Fr.
Pancho at si Fr. Romel ngayong Jan. 9, 2008. Ang
ating magiging bagong Kura Paroko ay si Rev. Fr.
Ibarra Zoleta.
Ako ay nagpapasalamat kina Dada
Lobarbio, Roda Gonsales at Totoy Aguilar sa
pagbibigay ng impormasyon upang maisulat ko ang
artikulong ito.
|