www.guinayangan.com

The official website of the Municipality of Guinayangan, Quezon

 
Home About Services Tourism Investment Invitation to Bid Site Map
     Picture Gallery Video Gallery Forum
 
More on the LGU About
 
Background
  Office of the Mayor
  Key Officers
  Vision and Mission
 
Profile
  History
  Location Map
  Geographical Data
  Vital Indicators
 
Local Development
  Development Programs
  Agricultural Assistance
  Environmental Programs
  Service Improvements
 
Products
  Food
  Marine
  Industry
 
News
  Local News
  LGU Reports
 
Ordinances
  For Deliberation
  Existing Ordinances
 
History

MAIKLING KASAYSAYAN NG GUINAYANGAN

 

                Ang kasaysayang ito ng bayan ng Guinayangan ay batay sa kasulatang hango sa Expediente a Consulta En Que Cuenta de los Moros Han Destinado El Pueblo Guinayangan, 1769 (National Archives, Bureau of Records, Manila) at gayon din sa mga salaysay ng mga sali’t-saling lahi ng mga katutubong mamamayan.  Walang nakuhang tiyak na petsa sa pagkakatatag ng Pueblo de Guinayangan,  Gayunman, nasasabi sa nabanggit na kasulatan at sa kalakip nitong mapa na ang Guinayangan ay nasa bungad ng Ilog ng Cabibihan.  Ang bayang ito ay nilusob ng mga piratang moro na lulan ng tatlumpu at dalawang bangka noong 1769.  Lumaban ang mga mamamayan at tumagal ang labanan ng tatlong araw.  Mapipigilan sana ang mga mamamayan kung hindi dumating ang saklolo buhat sa Gumaca at Atimonan.  Ang mga mamamayan ay inatasan ng Alkalde Mayor na lumikas muna sa Gumaca, subalit sa utos naman ng Senior Obispo, Antonio de Luna sa kanila ay humanap na lamang ng bagong pook na pagtatayuan ng kanilang pamayanan.  Sila ay tumungo sa dakong ilaya ng Cabibihan at itinayo ang “Nuevo Guinayangan” sa Sitio Apad ng bisita ng Viñas.  Samakatuwid, ang bayan ng Guinayangan ay natatag sa pagitan ng mga taong 1600 at 1700 AD.

                Ang mga nagsilipat na mga mamamayan ng “Viejo Guinayangan” ay nanatili pa sa Apad sang-ayon sa mga tala ng “Expediente a Representacion de Lumas para La Defensa de los Enemegos Moros” hanggang taong 1782.  Ang mga iyon ay patuloy na binabagabag ng mga pirata kaya patuloy naman ang paghingi nila ng tulong sa armas sapagkat sang-ayon sa kanila, ang armas nilang pana lamang ay hindi sapat upang iharap sa mga kaaway.  Ayon sa mga tala, ang mga mamamayan na nagbabayad ng buwis sa Pamahalaang Kastila ay may bilang na 761 na pinamumunuan ng isang “Cabesa Benito Solano”.  May paniwala ang nagsaliksik ng kasaysayang ito na ang mga nagsilikas na mga mamamayan ay hindi na nagsibalik pa sa Viejo Guinayangan at kung mayroon man ay iilan na.  Hindi na sila natipon muli dahil sa pagtatago nila sa mga mandarambong at mga mamamatay-taong mga moro. 

                Ang mga unang nanirahan sa naiwang “Viejo Guinayangan” ay nagbuhat sa Samar.  Sila ay dumating dito noong taong 1820.  Sila ay mga magkakamag-anak na galing sa mga angkan ng Tupas, Matta at Molines.  Nang panahong yaon, dumating sila sa pook na ito ay may naninirahan na ngunit malawak pa ang kagubatan.  Napag-alaman nila na sagana ito sa mga lamang-dagat na hinahanap nila tulad ng “Tropang”.  Ang mga Tupas at Matta ay nagbukas ng kagubatan sa kaibayong dagat ng Ragay.  Ang mga pook na iyon ay tinawag ngayong Barangay Kinatakutan at Barangay Laurel.  Ang mga Molines naman ay sa Viejo Guinayangan nagbukas ng kabukiran.  Nagsipagsunod sa kanila ang iba pang mga angkan buhat sa Bisaya tulad ng Cerilla, Reformado, Araña, Butardo, at iba pa.  Kinilala nilang lider ang mga naunang angkang dumating dito.

                Noong taong 1862, muling sinalakay ang pook na ito ng mga Moro.  Hindi nagtagumpay ang mga Moro sapagkat matatag na ang tanggulan ng mga mamamayan.  Sakay sa kanilang bangka, pumasok ang mga mamamayan sa isang ilog na noon ay wala pang pangalan, upang magpahabol sa mga Moro.  Natakot sumunod ang mga Moro kaya mula noon ang ilog sa pook na iyo ay tinawag na Kinatakutan.  Malimit ang pagsalakay ng mga Moro hanggang sa minsan ay naitaboy ang mga naninirahan dito sa ilaya ng Cabibihan.  Nagtatag din sila ng isang sitio doon.  Naging matahimik ang pamayanan at dumami ang mga naninirahan doon.

                Sa pamumuno ng Capitan Simeon Molines, noong taong 1832, nagkaroon ng isang delegasyon ang mga mamamayang iyon sa Alkalde Mayor ng Tayabas upang hingin ang opisyal na pahayag ng huli tungkol sa hangganan ng Guinayangan.  Sang-ayon sa pahayag, sa Hilaga ang Ilog sumulong ang naghihiwalay sa bayang ito at sa bayan ng Calauag.  Ang ilog ng Guinayangan ang hangganan sa Silangan at ang bundok ng Cadig sa Kanluran. 

                Nagkaroon din ng sariling parokya ang bayang ito na tinawag na “Paroquia de San Luis Gonzaga” sapagkat ang napiling patron ay si San Luis Gonzaga.  Ipinagdiriwang ang kapistahan sa bayang ito tuwing ika-21 ng Hunyo.  Si Padre Bonifacio Estevez ang unag Kura Paroko sa parokyang ito.

                Ang ngalang Guinayangan ay galing sa salitang ‘GAYANG”.  Ito ang tawag ng mga katutubong Aeta sa isang uri ng lason na galing sa isang uri ng halaman.  Ipinapahid ng mga Aeta ang Gayang sa dulo ng pana o sibat na kanilang ginagamit sa pakikidigma.  Isang araw habang ang mga “settlers” ay naglalagay ng Gayang sa kanilang pana ay dumating ang mga misyonerong Kastila upang maghasik ng Kristiyanismo.  Itinanong ng mga misyonero sa mga tao, sa wikang Kastila kung ano ang pangalan ng pook.  Hindi iyon maunawaan ng mga tao.  Akala nila ay itinatanong ng mga misyonero kung ano ang kanilang hawak at saka sumagot ang isa sa kanila ng “GINAYANGAN”, na ang ibig sabihin ay pana na nilagyan ng Gayang.  Paulit-ulit na sinambit ng prayle ang Guinayangan, ang dinalang pangalan ng itinatag na pueblo simula taong 1700.  Palibhasa’t mga Kastila ang nagbaybay, kaya ang GUINAYANGAN ay baybay Kastila.

 

Hango mula sa “Kasaysayan ng Guinayangan” na sinaliksik at isinulat ni Gng. Alodia Fernandez-Molines.

Municipal Mayors of Guinayangan

       

1

   Hon. Victoriano Lagdameo

( d )

   1904
2    Hon. Placido Isaac

( d )

   1904 - 1905
3    Hon. Jesus V. Lagdameo

( d )

   1906 - 1907
4    Hon. Jose Tolentino

( d )

   1908 - 1909
5    Hon. Feliciano Roldan

( d )

   1910 - 1911
6    Hon. Silvestre Reformado

( d )

   1910 - 1915
7    Hon. Jose San Juan

( d )

   1916 - 1919
8    Hon. Rodrigo Garcia Matta

( d )

   1920 - 1922
(7)    Hon. Jose San Juan

( d )

   1923 - 1924
9    Hon. Faustino Araña

( d )

   1925 - 1931
10    Hon. Antonio Marquez

( d )

   1931 - 1937
11    Hon. Vicente Tolentino

( d )

   1938 - 1940
12    Hon. Hipolito Veloso

( d )

   1942 - 1943
13    Hon. Victoriano Alejar

( d )

   1943 - 1944
14    Hon. Timoteo Ramos

( d )

   1945 - 1946
15    Hon. Vicente Salumbides

( d )

   1946 - 1947
16    Hon. Guillermo Garcia Sr.

( d )

   1947 - 1948
17    Hon. Natividad B. Matta

( d )

   1948 - 1952
18    Hon. Mariano A. Roldan Sr.

( d )

   1952 - 1986
19    Hon. Nestor M. Salumbides, Sr.

( d )

   1986 - 1987
(18)    Hon. Mariano A. Roldan Sr.

( d )

   Feb. 1988 - Apr. 1988
20    Hon. Ignacio C. Macalintal

( d )

   April 1988 - June 30, 1992
(19)    Hon. Nestor M. Salumbides, Sr.

( d )

   June 30, 1992 - June 30, 1998
21    Hon. Manuel M. Butardo      June 30, 1998 - June 30, 2007
22    Hon. Edgardo E. Sales

( d )

   June 30, 2007 - June 30, 2010
23    Hon. Angel T. Ardiente, Jr., M.D.      June 30, 2010 to June 30, 2013
24    Hon. Cesar J. Isaac III      June 30, 2013 to June 30, 2022
25    Hon. Maria Mariden M. Isaac      June 30, 2022 to date
       
Parish Priests of Saint Aloysius Gonzaga Parish
1    Rev. Fr. Bonifacio Estebez

( d )

   1845
2    Rev. Fr. Gregorio San Juan

( d )

   1857
3    Rev. Fr. Getulio Villamano

( d )

   1859
4    Rev. Fr. Quiterio Villareal

( d )

   1863
5    Rev. Fr. Avelino Vinsons

( d )

   1869
6    Rev. Fr. Pedro Villaflor

( d )

   1870
7    Rev. Fr. Marcos Tolentino

( d )

   1873
8    Rev. Fr. Gregorio Martin

( d )

   1877
9    Rev. Fr. Gregorio Clemente

( d )

   1879
10    Rev. Fr. Jose Gaspar

( d )

   1879
11    Rev. Fr. Eulalio Gaspar

( d )

   1879
12    Rev. Fr. Mariano Infante

( d )

   1881
13    Rev. Fr. Hipolito Elloso

( d )

   1885
14    Rev. Fr. Gregorio Franco

( d )

   1889
15    Rev. Fr. Arecio Cidad

( d )

   1897
16    Rev. Fr. Lupo Aquino

( d )

   1898
17    Rev. Fr. Rufino Cadiz

( d )

   1899
18    Rev. Fr. Maximino Decembrana

( d )

   1900
19    Rev. Fr. Marcelo Villon

( d )

   1900
(16)    Rev. Fr. Lupo Aquino

( d )

   1904
20    Rev. Fr. Jesus Sierra

( d )

   1907 - 1918
21    Rev. Fr. Pedro Monleon

( d )

   1918
22    Rev. Fr. Eugenio Surreda

( d )

   1918 - June 1922
23    Rev. Fr. Valentin Azucena

( d )

   June 1922 – Nov. 1927
24    Rev. Fr. Sergio Livera

( d )

   Dec. 1927 – Mar. 1931
25    Rev. Fr. Lorenzo Menorca

( d )

   Mar. 1931 – May 1936
26    Rev. Fr. Francisco Radovan

( d )

   May 1936 – May 1937
27    Rev. Fr. Gregorio Salvatus

( d )

   May 1937 – May 1941
28    Rev. Fr. Ismael Cuiching

( d )

   June 1941 – May 1944
29    Rev. Fr. Alfredo Obana

( d )

   May 1944 – July 1944
30    Rev. Fr. Eufrosino Lusterio

( d )

   July 1944 – Jan. 1951
31    Rev. Fr. Brigido Nantes

( d )

   Jan. 1951 – Feb. 1951
32    Rev. Fr. Clodualdo Batocabe

( d )

   Feb. 1951 – June 1952
33    Rev. Fr. Frisco Menorca

( d )

   June 1952 – July 1953
34    Rev. Fr. Delfin Babilonia

( d )

   July 1953 – Aug. 1959
35    Rev. Fr. Cristino Racelis

( d )

   Aug. 1959 – Nov. 1959
36    Rev. Fr. Vicente Urlanda      Nov. 1959 – June 1965
37    Rev. Fr. Rodolfo Imperial      June 1965 – Aug. 1970
38    Rev. Fr. Daniel Palillo      Aug. 1970 – Dec. 1973
(37)    Rev. Fr. Rodolfo Imperial      June 1974 – Nov. 1979
39    Rev. Fr. Paterno Granada

( d )

   June 1979 – Nov. 1983
40    Rev. Fr. Justino Manaog

( d )

   Nov. 1983 – Feb. 1984
41    Rev. Fr. Ramon C. Tiama

( d )

   Feb. 1984 – June 1988
42    Rev. Fr. Rodolfo Garcia

( d )

   June 1988 – Oct. 1988  - Parish Administrator
(41)    Rev. Fr. Ramon C. Tiama

( d )

   Oct. 1988 – Nov. 1989
43    Rev. Fr. Diego O. Daño

( d )

   Nov. 1989 – Aug. 1991
44    Rev. Fr. Enrique Luna, Jr.      Aug. 1991 – Nov. 1991 - Parish Administrator
(43)    Rev. Fr. Diego O. Daño

( d )

   Nov. 1991 – July 1993
45    Rev. Fr. Lowell Malabanan

( d )

   Aug. 1993 – Sept. 1993 - Parish Administrator
(43)    Rev. Fr. Diego O. Daño

( d )

   Sept. 1993 – Jan. 1996
46    Rev. Fr. Edgardo A. Saniel

( d )

   Jan. 1996 – Feb. 1996
47    Msgr. Reynaldo Formarejo

( d )

   Feb. 1996 – Mar. 1996 - Parish Administrator
(46)    Rev. Fr. Edgardo A. Saniel

( d )

   Mar. 1996 – July 1998
48    Msgr. Nilo Reynoso

( d )

   Aug. 1998 – Sept. 1998 - Parish Administrator
(46)    Rev. Fr. Edgardo A. Saniel

( d )

   Oct. 1998 – Aug. 2000
49    Rev. Fr. Noel Voltaire E. Olaya      Aug. 1999 – Feb. 2002   -   Parochial Vicar
50    Rev. Fr. Lucito V. Soriano      Aug. 2000 – Mar. 2002
51    Rev. Fr. Aldwin R. Dalisay      Feb. 2002 – July 2002   -   Parochial Vicar
52    Rev. Fr. Celso L. Barretto      Feb. 2002 - June 2005

53

   Rev. Fr. Rey D. Merca      June 2005 - July 2006   -   Parochial Vicar
     54    Rev. Fr. Jose Pancracio C. Seco      July 2005 - Jan. 9, 2008

55

   Rev. Fr. Rommel G. Rosales      Dec. 2006 - Jan. 9, 2008   -  Parochial Vicar

56

   Rev. Fr. Ibarra M. Zoleta      Jan. 10, 2008 - June 8, 2016 

(55)

   Rev. Fr. Rommel G. Rosales      May 2009 - May 15, 2010   -  Attached Priest

57

   Rev. Fr. Enrico B. Barretto      August 2010 - July 3, 2011  - Parochial Vicar 

58

   Rev. Fr. Hanibal N. Pabello

(d)

   July 9, 2011 to June 2, 2016  - Parochial Vicar 

59

   Rev. Fr. Ronilo J. Pera      June 9, 2016 to August 2, 2022 

60

   Rev. Fr. Ronald M. Mitas      July 9, 2016 to July 16, 2018  - Parochial Vicar 

61

   Rev. Fr. Alvin P. Sarmiento      July 16, 2018 to July 31, 2020- Parochial Vicar 

62

   Rev. Fr. Louiesanto I. Orgado      Aug. 1, 2020 to Aug. 3, 2022 - Parochial Vicar 

63

   Rev. Fr. Antonio A. Aguilar      August 2, 2022 to date

64

   Rev. Fr. John Emil B. Dapito      August 3, 2022 to date  - Parochial Vicar 
       

 
   
 

About Us    Contact Us   Other Government Links
Copyright © 2002 National Computer Center
All rights reserved.
Optimized for browser versions 4.0 and higher.